Pagal

•Hulyo 25, 2008 • Mag-iwan ng Puna

Pagod na ako.

Wala akong pangarap maliban sa maging masaya. Nabuhay ako sa pangarap na ‘yan. Ngunit ngayon ay namulat na rin ako sa katotohanan… hindi pala ako marunong mangarap. Kaya nitong nakalipas na taon ay nangarap ako at ito ay pumasa sa pag-aabugasya. Mag-aaral ako ng mabuti… at nag-aaral pa rin.

Pag-aaral. Kulang.

Hindi ko lang kinailangang mag-aral. Kailangan ko rin ipagpaliban ang kasiyahan. Babae. Beer. At iba pa. Yosi na lang ang natira. Sayang, dati rati masaya na ako sa simpleng buhay. Binayaan ng masasayang alaala. Sa inuman man, o pag kasama ko ang mga minahal ko dati. Ngunit nawala na ‘yan lahat. Nag-aaral na lang ako.

Ngayon.

Pagod na ako. Subalit kailangang abutin ang pangarap. Ngayon lang ako nangarap. Tutuparin kahit mahirap. Hindi na po ito masaya. Pero OK lang… walang kwenta naman ang kasihayan pag ang tao ay hindi nangangarap.

Ang Saging lang…

•Setyembre 21, 2007 • Mag-iwan ng Puna

Oo, Saging lang ang may puso…

Kakatanggap ko lang ng payslip ko at ayun! 74.15 na oras lang pala ang babayaran mula sa basic pay ko. Late kasi parati. Trapik… Pulubi.

‘Di katanggap tanggap na halos mangkandarapa kana sa trabaho eh per minute  pa ang sahod mo. Anakamp*** daig pa ang netopia sa paniningil sa internet. Parati pang brownout dito. Wlang internet kadalasan. Ano ba? Patayan na ba ito?

‘Di ko na maalala ang mga panahong ‘di importante ang pera. Noon yun! Nung ang kinakagastusan ko lg eh tex at laruang pambata. Eh ngayon? Bisyo dito, bisyo doon. Alak, kape, sugal, babae… kabaong!

Kabaong! Baka sa huli eh kahit kabaong ‘di na natin kayang bilhin dahil sa deduction sa sahon. Iba ang pinoy! Ang patay gutom eh mas pinapatay pa nila sa gutom. *#@4$%! ***

Nahihibang na ba ako?

•Setyembre 12, 2007 • Mag-iwan ng Puna

Ano ba’t parati na lang tayo nahihibang sa mga bagay na maituturing na panandalia-ang aliw? Hindi ito bastos. Hindi yan ‘tol! Ibang panandali-ang aliw ang tinutukoy ko dito. Ang iniisip mo ay nagdadagdag lang ng gastos… at sakit! Kaya iwasan nyo na ‘yan. Ang tinutukoy ko ay ang mga bagay na magastos din… pero hindi ganun ka bastos.

Text. Hindi ko pa nakikita ang salitang yan sa diksyonaryong tagalog pero nakakaintindi naman kayo siguro ng kahit na kaunting ingles, di ba? Ano ba’t sa panahon ng mga unlimitxt tsaka text 20 to 258 ay marami na talaga sa atin ay nagiging adik. Adik sa text. Isa na ako sa mga gagong adik na yan na halos hindi na makagawa ng matino dahil text ng text na lang. “Sayang din naman ang unli…” Yan ang kadalasang sagot ng nakararami. At isa din ako sa kanila. Sayang nga naman. Pero hindi sayang ‘yan pg hindi ka magregister sa unlimited service ng mga network providers. Hindi ko maalala ang mga panahong halos 300pesos ang nagagasta ko bawat araw sa kakatext. Ngayon eh bente na lang. Pero pareho lang, ala din naman akong tulog. Tsaka duguan na ang daliri ko… Oo, tama ka, may internal bleeding na ata ang text finger ko. Nangingitim kasi na parang may dugo sa loob. Pero ok lang, sayang ang unli…

Ano ba ang maidudulot ng text? Sa mga hindi pa nakakaranas ng “text finger”, “textmates” o kung ano pa ang kagaguhang epekto ng unlimited text ay simulan nyo na. Tiyak na hayop ang mukha mo bukas. Matulog ka ng madaling araw, masaya ‘yan. Siguraduhin mo lang na maganda’t sexy ang ka text mo. Kasi pagnagkamali ka… Tiyak, tiyanak na texter ang magiging anak niyo! ***

Iskolar ka nga talaga ng bayan!!

•Agosto 17, 2007 • 1 Puna

Kagabi ko lang nalaman ito. Ang galing talaga ng pinoy! And galing talaga ng mga iskolar ng bayan!!!

Sa ganap na pagmamahal nla sa wika ay tinahak nilang gawing filipino ang mga pangalan ng kurso sa Unibersidad ng Pilipinas. Batsilyer ng ganito ganyan. Lahat na ay nagawan nila ng paraan upang gawing filipino ang mga pangalang ito… lahat maliban sa isa. Ang “Bachelor of Science in Surveying”… pinag-isipan nila ito ng mabuti. Wala silang mahanap na filipinong salita para sa “surveying”. Nung huli, ay naging ganito ang pangalan ng nasabing kurso… “Dalubhasang paninilip sa pag-aari ng iba.”

Anong nangyari? Nung ipinasa nila ito sa presidente ng Unibersidad… ng dahil sa kursong iyon ay pinasyang huwag ng ituloy ang plano. Kaya hanggang ngayon ay ingles pa rin ang mga kurso sa UP.

‘Yun eh!!! Galing ng mga Isko at Iska!!! Iba ka!!!

Maling Akala

•Agosto 9, 2007 • Mag-iwan ng Puna

Gabi. Madilim. Maginaw. Walang ilaw… Gabi nga eh. Naghapunan kami dun sa kanto. Di ko na sasabihin kung sino ang kasama ko. Ipapakilala ko na lang siya sa inyo sa darating na araw. Sarap ng pakiramdam na kasama ko siya sa kadahilanang hindi ko na kailangang sabihin. May nag-aaway pa sa kabilang mesa. Dalawang tanga… Tapos ay may mga abogaga rin sa likod namin. Mali, mag-aabogaga pa lang pala.

Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang aking nararamdaman. Upang makamit ang matamis na “Oo”. Sinagot nya ako ng Oo… Akala ko ay yun na. Pero parang hindi na parang Oo.  Naramdaman ko rin na totoo ang kanyang sinabi. Sabi nya rin eh. Umuwi kami. nagtext. nagtext… at nagtext. Yun dw, kami na hindi. Ano bang klaseng sagot yun? Naiintindihan ko ang gusto niya. Naiintindihan ko rin bakit ayaw nya. Ngunit ang masakit ay ng sinabi nya bago lang na humanap na lang ako ng iba… Bakit ganun? Ang dali magbago ng isip niya. Hindi na po ito laro. Hindi na po ito nakakatawa. May nasasaktan na po. Huwag naman sana nating gawin ‘to. ***

Pinoy ‘to!

•Agosto 7, 2007 • Mag-iwan ng Puna

Bakit ba ang mga Pilipino ay parating nahuhuli sa byahe? Bakit ba parati tayong late?

Ang aga ko pa’ng gumising kanina. Alas kwatro ng umaga dahil sa mirakulo ng makabagong teknolohiya na kahit ang telepono ay nagiging taga-gising mo na rin! Alas otso dapat ang pasok ko sa opisina, ngunit nakarating ako sa opisina ng mahigit apatnapung minuto makalipas ang alas otso kahit hindi naman kalayuan ang bahay ko.

Bakit kaya? Hindi naman sa tamad lang talaga akong maligo pero ang katotohanan ay ang bigat talaga ng katawan ng mga pinoy tuwing umaga. Ito ay marahil sa inuman ng nakalipas ng gabi, o marahil dahil sa mabibigat na trabaho ng mga pinoy, o marahil ay marami tayong “ginawa” kagabi. Hindi tayo tamad… iba lang talaga siguro ang “body clock” natin. ‘Yan rin siguro ang dahilan kung bakit lumalaki na ang industriya ng call centers dito sa ating bansa. 

Ngunit bakit ba talaga tayo nahuhuli sa mga jip, bus, mrt, lrt o kahit sa trike na lang e nahuhuli pa tayo? Mabibilis lang ba talaga silang tumakbo? O tayo mismo ang mabagal? ‘Wag na tayong mag-antay ng araw na huli na ang lahat. Habulin na natin ang dapat habulin. Ma sasakyan man yan, trabaho, pera, o babae! Pare ko… habulin na yan! ***

Umuulan na naman

•Agosto 6, 2007 • Mag-iwan ng Puna

Kahit sa isang saglit lang ay maalala ko rin sana na hindi lamang ako ang nabubuhay sa mundo. Sa karanasan ko, karamihan ng mga tao ay hindi man lamang nakakalaan ng isang saglit lang… kahit isang saglit lang sa buhay ng tao na maintindihan ang pangkalahatang larawan ng tinatawag nating buhay. Isa na ako sa mga taong iyon.

Hindi lamang tayo ang nasasaktan sa ating mga ginagawa dahil lahat naman tayo ay kunektado. Ang ating mga desisyon ay nakakaapekto din sa ibang tao dahil maaring nakasalalay din ang pagdedesisyon nila sa’tin. Ang importante lang ay walang taong nasasaktan dito.

Maganda ang umaga, umuulan, malamig, at lunes pa. Unang araw ito sa buong linggong trabaho at pag-aaral. Dapat ay nabibigyan natin ng kahulugan ang araw na ‘to dahil pag masama ang gising mo ng lunes, buong linggong sasama din ang gising mo. Ngunit sa kadahilanang ‘di ko maintindihan ay sirang-sira na ang umaga ko. Marahil ito ay dahil sa aking hindi kasarapang agahan, o sa pagod, o sa pagkainis ko sa bagong direktor ng pulis ng lunsod ng iloilo o marahil dahil sa masamang tulog ko kaninang madaling araw. Hindi ko rin maikukubli ang sandamakmak na mga problema na umaaligid sa aking nitong nakalipas na mga araw.

Ngunit hindi dapat masira ang araw ng iba dahil sa’kin. Hindi ito nararapat. Ang dapat na mangyari ay mapasaya ko siya kahit ako ay nasisiraan na ng ulo. Importante ito sa kanya… Mas importante ito sa akin. Pipilitin ko na maging masaya… Pipilitin ko mapakita sa kanya na wala akong problema. Pipilitin ko ang lahat mapasaya lang ang isang taong lubos na minamahal ko. Dahil kung wala siya, wala rin ako. Siya lang ang nakapagbibigay ng kahulugan sa araw ko. Siya lang at wala ng iba. ***

Simulan na!

•Agosto 3, 2007 • Mag-iwan ng Puna

Aba! Sa haba ba naman ng tinagal ng blog ko’ng ‘to (halos tatlumpu’t minuto) ay naiisip ko na ang dapat ko’ng isulat. Ito ay tungkol sa karapat-dapat na direksyon ng buhay ko. Habang tayo ay nabubuhay, hindi lamang ang mga sarili natin ang dapat na naisasalin sa ating mga plano sa buhay. Dapat naman kahit papano ay naibabahagi natin ang ating buhay sa isang espesyal na tao na masasama natin habang buhay. Kahit na hindi pa naman ako kasal (matatagalan pa), naiisip ko rin na dapat ko ng mahanap ang babae na nararapat sa akin. Unti-unti ko na nga siya’ng nakikilala sa madalas naming paglabas. Andami ko ng natutunan tungkol sa kanya. Hindi ko na ata kaya na mawala siya sa buhay ko… Hindi naman kami katagalang nagkakilala ngunit napapasaya niya ako. Sana lang ay gusto niya na ring ibahagi ang buhay niya sa akin… ***

abnkktglgdnplako?

•Agosto 3, 2007 • Mag-iwan ng Puna

Ito ay ang kauna-unahang pagsusulat ko sa tagalog. Aba! nakakasulat din pala ako ng tagalog. Dati rati ay halos ko ng maipasa ang aking filipinong subject sa paaralan. Hindi pa rin ako marunong… kahit papano naman ay makakaraos din ako.

Simula lamang ito sa mahaba pang maibabahagi ko sa inyo sa tagalog. Lamang sana ay kaya ko ito. Kakayanin ko ito… Nakamp***. Haha

Testing mic test

•Agosto 3, 2007 • 1 Puna

Testing mic test… Nasa barrio ba tayo?